Itinanggi ni Senate President Franklin Drilon na na–pressure lang si Cong. Leni Robredo, kaya ito pumayag na maging kandidato ng Liberal Party, para sa pagka bise presidente.
Ayon kay Drilon, hindi pressure, kundi ang desisyon ng mga anak ni Robredo, ang nagpatagal sa pagpapasya nito.
Sinabi ni Drilon na hindi agad pumayag ang mga anak ni Robredo, lalo na at malaking responsibilidad ang papasukin nito.
By: Katrina Valle | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)