Nag-negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang siyam na mga immigration officers na unang nagpositibo sa rapid testing.
Ayon kay Chief Melvin Mabulac ng Immigration National Operations Center, negatibo ang naging resulta ng lahat ng 9 na immigration officer nito sa isinagawang RT-PCR.
Magugunitang iniutos ni Commissioner Jaime Morente ang pagsasailalim ng lahat ng mga tauhan at kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa mandatory rapid testing.
Kasunod nito, nanawagan si Chief Melvin Mabulac na bagamat balik operasyon na ang tanggapan ng BI, mas makabubuti kung mag-papaapointment online at hindi rin ipinapayong mag-walk in nang makaiwas sa banta ng COVID-19 pandemic.