Mali ang mga ipinunto at ibinabala ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio nang magsalita ito sa Management Association of the Philippines hinggil sa isyu ng anti-terror bill.
Ito ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson, na sponsor at isa sa mga may akda ng naturang panukalang batas.
Dagdag pa ni Lacson, buo na aniya ang isip at negatibong posisyon ni Carpio kontra anti-terror bill.
Samantala, inihayag ni Senador Panfilo Lacson na kanyang sasagutin isa-isa ang mga alegasyon ni Carpio hinggil sa panukalang batas, sa susunod na linggo, oras na humarap ito sa Management Association of the Philippines para sa nakatakdang eskedyul ng senador.