Umabot na sa P1-B ang napautang ng Pag-IBIG fund sa kanilang mga miyembro sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Jack Jacinto, Department Manager ng public media affairspag ibig fund, pinalawig rin nila hanggang sa June 30 ang pagreremit sa kontribusyon ng mga miyembro at bayad sa kanilang mga loans.
Maliban sa mga short term loans, sinabi ni Jacinto na nasa 200,000 miyembro rin ng Pag-IBIG ang nabigyan ng grace period at moratorium sa pagbabayad ng kanilang housing loans.
Sa ngayon anya ay ikinakasa naman ng Pag-IBIG ang P10-B stimulus package para sa housing construction upang makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya.