Patay ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na di umano’y makipagbarilan sa mga pulis at militar sa Mabinay, Negros Oriental.
Ayon sa ulat ng Philippine Army, nagtungo sila sa sitio talingting, barangay luyan matapos iulat ng mga residente na naruon ang isang wanted person na may kasamang armadong grupo.
Gayunman, bigla umano silang pinaputukan habang palapit na sa bahay na tinutuluyan ng armadong grupo kayat nauwi ito sa engkwentro.
Nakuha sa lugar ang tatlong m16 rifles, isang ak 47 , isang caliber 45, mga magazines, apat na rifle grenade , isang improvised na pampasabog, mbabala at subersibong dokumento na may high intelligence value.