Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) – kabilang ang tatlong unit leaders – matapos ang sunod-sunod na negosasyon sa South Cotabato sa Mindanao.
Ayon kay Lt. Col. Lino Capellan, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-12, kasamang isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas sa Sitio Datal Kadi, Barangay Tasiman, Lake Sebu.
Samantala, sinabi naman ni PRO-12 Director, Brig. Gen. Michael John Dubria na ang pinakahuling accomplishment ng pulisya ay bahagi ng mga hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa internal insurgency sa mapayapang paraan.