Nagkasagutan sina Buhay party-list Representative Lito Atienza at Cavite Representative Jesus Crispin Remulla sa pagdinig sa kamara para sa ABS-CBN franchise renewal.
Nag-ugat ang bangayan ng dalawang kongresista dahil hindi umano binibigyan ng pagkakataon na makasagot ng maayos ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta ang mga taga-ABS-CBN.
Ngunit hindi nagustuhan ni Remulla ang salitang “browbeating” na ginamit ni Atienza kay Marcoleta.
Hindi rin nagpatinag si Atienza at sinabing isa rin si Remulla sa minamanipula ang pagdinig.
Kasabay nito, pinuna rin ni Atienza at iba pang sumusuporta sa ABS-CBN franchise renewal na masyadong pinagbibigyan sina Marcoleta at iba pang kontra sa network para magsalita.