Ipinagpaliban na sa susunod na taon ang pagsasagawa ng professional at sub professional civil service examination.
Ito’y nakatakda sanang gawin noong ika-15 ng Marso.
Batay sa abiso ng Civil Service Commission (CSC), ito ay dahil nandyaan pa rin ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid naman ng komisyon na maaari pa ring magamit ng mga examinee ang kanilang mga binabayarang aplikasyon para sa para sa pagsusulit sa susunod na taon.