Puspusan na ang isinasagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City matapos mapaulat ang pagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, may nakarating na report sa kanya na bago pa man magtungo ng Boracay ang grupo ng regional director ng BFP, nagtungo pa ang ito isang resort sa Antique.
Kasama aniya ng mga ito ang ilang empleyado ng zoning office ng Iloilo City Hall.
Kasunod nito, sinabi ni Treñas na kanya nang inatasan si Iloilo City Legal Chief Atty Ruben Torres na magsagawa ng mabilisang imbestigasyon sa insidente.
Agad din aniyang isinailalim sa swab test at istriktong quarantine ang lahat ng empleyado ng cityhall.
Una nang inilagay sa floating status ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 28 tauhan ng BFP Region 6 matapos dumalo sa umano’y conference na kalauna’y napag-alamang despedida party sa Boracay Island.