Tinatayang 343,000 mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa iba’t-ibang bansa ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay ito sa pinakahuling tala ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Gayunman, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kalahati ng nabanggit na bilang o katumbas ng halos 190 mga nawalan ng trabaho na OFW’s ang tumangging umuwi ng Pilipinas.
Ayon kay Bello, ilan sa binabanggit na dahilan ng mga naturang OFW’s ay ang pagkakaroon nila ng unemployment insurance at patuloy na pag-asang makahahanap muli ng bagong trabaho.
Sa kasalukuyan, nasa 54,000 mga OFW’s na ang na-repatriate o nailikas ng pamahalaan pabalik ng Pilipinas habang 16,000 iba pa ang inaasahang darating ng bansa hanggang sa katapusan ng Hunyo.