Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para overall deputy ombudsman at anim na justices ng Court of Appeals (CA).
Papalitan ng mga magpapasang aplikante si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na nakatakda nang magtapos sa kanyang termino sa October 14.
Magugunitang naging kontrobersiyal si Carandang matapos ipag-utos ng Malakanyang ang pagsibak dito noong 2018 dahil sa paglabas ng umano’y mga bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa gitna ng imbestigasyon sa umano’t tagong yaman ng mga Duterte.
Kinuwestiyon naman ni Carandang ang hurisdiksyon ng Malakanyang sa pagpapatalsik sa isang deputy Ombudsman sa pamamagitan ng naunang desisyon ng Korte Suprema noong 2014.
Samantala, anim naman ang bakanteng posisyon sa Court of Appeals matapos na maitalaga sa Korte Suprema sina Justices Rodil Zalameda, Edgardo Delos Santos, Mario Lopez at Samuel Gaerlan.
Gayundin ang pagreretito ni dating Court of Appeals Justices Luisa Padilla at Jane Aurora Lantion noong Enero.
Ayon sa JBC kinakailangan lamang magsumite ng aplikasyon at iba pang kinakailangang dokumento ng mga aplikante para sa overall deputy ombudsman simula bukas June 20 hanggang August 4 habang bukas naman ang aplikasyo sa CA justices mula July 11 hanggang August 25.