Umaasa ang Angkas na mapapasama na sila sa phase 2 ng pagbabalik ng transportasyon sa Metro Manila at iba pang lugar.
Ayon kay George Royeca, chief transport advocate ng Angkas, mayroon silang idinesenyo na divider sa pagitan ng rider at ng angkas nito bilang proteksyon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gawa anya ang divider sa plastic at kawangis sya ng faceshield subalit malakit at sakop ang buong likod ng rider.
Sinabi ni royeco na magpapatupad rin sila ng protocol kung saan dapat i-dis infect ang motorsiklo at ang body shield sa bawat baba ng pasahero.
Sa susunod na linggo ipatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) ang phase two ng pagbabalik ng transportasyon kung saan mas marami nang bus ang papayagang bumiyahe kasama ang TNVS, taxi, modern jeepneys at piling mga traditional jeepneys.