Itinuturing ng Department of Health (DOH) na malaking dagok sa kanilang institusyon ang isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman laban sa ahensya.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, mababa ngayon ang morale ng mga tauhan ng doh dahil talaga namang nagtrabaho sila ng husto hindi lang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic kundi maging sa mga nakalipas na krisis na dinaanan ng bansa sa nakalipas na dalawang taon.
Tinukoy ni Vergeire ang mga krisis sa dengue, measles, polio outbreaks at maging ang pagputok ng bulkang Taal.
Nakakalungkot anya na sa kabila ng kanilang mga pagsisikap ay nabahiran pa ito ng ibat ibang alegasyon laban sa ahensya.