Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasa 11 mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kabila naman nito, tiniyak ni DSWD Undersecretary Rene Paje na hindi ito makakaapekto sa operasyon at trabaho ng ahensiya.
Ayon kay Paje, tuloy tuloy lamang ang kanilang mga kawani at frontliners sa paggampan ng kanilang mga tungkulin.
Sinabi ni Paje, kasalukuyan nang naka-admit sa mga ospital at binibigyan ng serbisyong medikal ang mga nagpositibo nilang kawani.
Kasunod nito, plano na rin aniya ng DSWD na magbigay ng mga personal protective equipment (PPEs) sa kanilang mga tauhan lalu na ang mga nagtatrabaho sa labas ng opisina.