Sa Saudi Arabia na ililibing ang mga labi ng 50 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang pahayag, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na iuuwi sa bansa ang mga labi ng mga naturang OFWs.
Samantala, sinabi rin ni Labor Secretary Silvestre Bello na bawal ang cremation sa Saudi at hindi kakayaning iuwi ang mga labi ng mga Pinoy sa bansa sa loob ng 72-oras kaya dapat doon na lamang ilibing ang mga ito.
Aabot umano sa 282 ang bilang ng mga kababayan na natin na nasawi sa Saudi dulot ng COVID-19 at iba pang kadahilanan.