Nanawagan ang isang senador sa Department of Trade and Industry (DTI) na mas paigtingin pa ang mga hakbang nito para matulungan ang mga maliliit na negosyante.
Ayon kay Senador Sonny Angara, hindi dapat pabayaan ng DTI ang micro, small and medium enterprises (MSME) bunsod ng matinding epekto sa kanila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Dahil dito, iminungkahi ni Angara ang pagbibigay ng access sa online market para sa maraming maliliit na negosyante, kabilang ang mga nasa indigenous communities.
Giit ni Angara, nahihirapan ang mga magsasaka na ibaba o itawid sa mga merkado ang kani-kanilang mga produkto bunsod ng restrictions na ipinatutupad ng gobyerno.