Tumatanggi si House Speaker Alan Peter Cayetano na pagusapan ang term sharing nila ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Cayetano na hindi ito ang tamang panahon para pag usapan ang pagbabagong mangyayari sa speakership post dahil nasa gitna pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang bansa.
Sa ngayon aniya ay maituturing na nasa wartime ngayon ang Kongreso dahil sa COVID-19 pandemic kasunod na rin nang patuloy na paghahanda nila para sa transition na mangyayari.
Ayon pa kay Cayetano patuloy naman ang pakikipag usap nila sa supporters ni Velasco sa pagnanais na minimal lamang ang pagbabago sa transition na gagawin lalo na sa chairmanship sa mga komite.
Iginiit ni Cayetano na marami nang significant achievement ang 18th congress at nais nilang ipagpatuloy ito kahit sa gitna ng krisis dulot ng pandemya.
Magugunitang sa kasunduang inayos ng Pangulong Rodrigo Duterte nuong 2016 , si Cayetano ang napiling maupo bilang house speaker hanggang sa darating na Oktubre at si Velasco naman ang siyang papalit hanggang sa matapos ang 18th congress.