Asahan pa ng mga Pilipino ang mas masigasig na pagtugon at pagkilos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y makaraang makakuha ng 90% satisfaction ratings ang AFP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan batay sa Research and Analysis Incorporated Survey.
Nakasaad sa nasabing survey na siyam sa bawat 10 Pilipino ang kuntento sa ginagawang mga hakbang ng AFP para sugpuin ang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang sa mga isinailalim sa satisfaction survey ang Philippine National Police na nakakuha ng 88%, Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na nakakuha ng 74%.
Gayundin ang Department of Health (DOH) na nakakuha ng 68 percent, Department of Social Welfare and Development (DSWD)na nakakuha ng 59% at Department of Labor and Employment (DOLE) na nakakuha ng 45%.
Isinagawa ang survey mula Mayo 14 hanggang Hunyo 2 sa may 1,275 household heads sa Metro Manila sa pamamagitan ng telephone interview.