Tumanggap ng mahigit P14-M donasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Armed Forces ang Police Mutual Benefit Association Inc. (AFPMBAI).
Mismong si AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr. ang tumanggap ng nasabing donasyon mula naman kay AFPMBAI President and CEO na si Ret/Mgen. Robert Arevalo.
Ayon kay Gen. Santos, ilalaan ang nasabing pondo para sa general headquarters ng AFP sa Kampo Aguinaldo gayundin sa Philippine Army para sa kanilang logistics operations.
Maliban sa donasyong salapi, nagbigay din ang AFPMBAI ng 1 minibus, 5 van at 4 na multi-purpose vehicles para magamit ng mga sundalo sa nabanggit na mga pasilidad ng militar.
Nagpasalamat naman si Santos sa ibinahaging tulong na ito ng AFPMBAI para sa pang araw-araw nilang operasyon.