Nagpatupad ng mas mahigpit na protocol ang lokal na pamahalaan ng Cebu City sa mga taong lumalabas-pasok sa lungsod habang nasa ilalim ng sila ng enhance community quarantine (ECQ).
Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, pansamantalang ipagbabawal ang paglabas-pasok sa lungsod ng mga locally stranded individuals (LSI).
Alinsunod aniya ito sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na layunaing maiwasan ang pagkalat at lalung pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Sinabi ni Labella, ipinatutupad ngayon sa Cebu City ang one entry one exit policy kung saan isinara na ang ilang mga kalye papasok sa lungsod maliban sa South Coastal Road, M.C. Briones Street at S. Omeña Avenue.
Dagdag ni Labella, patuloy din ang pagdakip ng mga awtoridad sa mga lumalabag sa ECQ protocols.
Sa pinakahuling tala ng Cebu City Public Information Office, umaabot na sa 4,449 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.