Pinag-aaralan kung isasailalim sa 14 day lockdown ang senado matapos magpositibo sa rapid test ang ilang empleyado nito.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na bahala na ang senate secretariat na tutukan kung magla-lockdown dahil ito ang higit na nakakaalam ng sitwasyon sa mataas na kapulungan.
Samantala ipinabatid ni Senator Panfilo Lacson na dalawa hanggang apat na empleyado ng senado ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kaya’t kinailangan muli nilang mag-disinfect para na rin matiyak ang proteksyon ng mga pumapasok na mga empleyado ng senado.
Sa ngayon ay nasa skeletal force ang operasyon ng senado kung saan tig dalawang araw ang schedule ng pasok kada linggo at work from home ang mga senate employees.