Bibida ang mga frontliner sa paggunita ng ika-449 na anibersaryo ng lungsod ng Maynila bukas, June 24.
Sa gitna na rin ito nang inilatag na programa at mga aktibidad ng pamahalaang lungsod ng maynila sa pangunguna ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM).
Sinabi ni DTCAM Director Charlie Dungo na karamihan sa programa ay idaraos online partikular ang tribute sa frontliners na gaganapin ng alas sais y medya ng gabi bukas.
Tiniyak din ng DTCAM ang mahigpit na pagpapatupad ng mga gabay ng IATF hinggil sa physical distancing at limitadong bilang ng mga bisita para sa mga programang tulad nang pag-aalay ng bulaklak.