Nakabalik na ng Manila ang BRP Gabriela Silang matapos maghatid ng mahigit isang daang mga locally stranded individuals (LSI)’s patungong Mindanao.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Captain Armand Balilo, 89 sa mga LSI’s ay inihatid sa Davao City habang 59 sa General Santos City.
Sinabi balilo, maluwag namang tinanggap ng local government units (LGU)’s sa mga nabanggit na lungsod ang mga napa-uwing LSI’s.
Dagdag ni Balilo, nakatakda ring maghatid ng iba pang mga LSI’s pauwi sa ilang probinsiya sa visayas at mindanao ang BRP Gabriela Silang sa mga susunod na araw.