Pinuna ng Laban Konsyumer ang kawalan ng nakapaskil na abiso sa mga gasolinahan kung magkano ang halaga ng 10% tariff na idinagdag sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay dating DTI Usec. Victorio Dimagiba ng Laban Konsyumer, karapatan ng mamimili na malaman ang komposisyon ng kanilang binabayaran.
Dapat anyang alalahanin ng Department of Energy (DOE) na kada linggo ay nag-iiba ang halaga ng taripa na ipinapataw sa produktong petrolyo dahil nag iiba rin ang presyo nito.
Bigyan naman nila ng kaunting kaakibat na sukli, tayong mga motorista that 10% it goes to COVID-19 kung hindi nila naiintindihan sa Department of Energy so, dapat bigyan naman nila ng kaunting serbisyo publiko paano ba naman i-require lahat yan, ipastil niyo. Kasi yan nagbabago yan every week o every 2 weeks kasi when you say it tariff it is impose on the buy of the goods when you bought it, hindi mo naman siya binibili sa pare-parehong presyo,” ani Dimagiba. — panayam sa Ratsada Balita.