Tututukan din ng pamunuan ng National Task Force against coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang sitwasyon ng mga kaso ng naturang virus sa Leyte.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ito’y bunsod ng lumolobo ring bilang ng COVID-19 sa lalawigan.
Dagdag pa ni Año, kasama aniya itong bibisita sa Tacloban City Si Secretary Carlito Galvez, na chief implementer ng National Task Force on COVID-19 .
Magugunitang biglang tumaas ang kaso ng nakamamatay na virus sa Leyte, makaraan ang pag-uwi ruon ng mga OFW’s at LSI’s.
Habang si Environment Secretary Rou Cimatu naman ang tututok sa sitwasyon sa Cebu City, matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang covid response ruon.