Tinatayang 4-milyong Pilipino ang nanganganib mawalan ng trabaho ngayong taon bilang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagdinig ng senado kung saan ang nasabing bilang ay 10% hanggang 15% ng kabuuang workforce.
Gayunman, inihayag ni Bello na tinututukan din nila ang posibleng pagdami ng empleyado sa Business Process Outsourcing (BPO) at maging sa construction industry na babalanse sa mga mawawalan ng trabaho.
Magugunitang lumabas sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang anito’y record-high unemployment rate na 17.7% noong Abril na katumbas ng 7.3-milyong Pilipinong walang trabaho.