Sinegundahan ng health advocate na si Dr. Susan Mercado ang mga doktor na nagbigay ng babala laban sa paggamit ng tu-ob bilang panangga sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Mercado, wala pang ebidensya na makapagpapatunay sa bisa ng tu-ob bilang panangga sa COVID-19.
Maaari anyang makatulong ang tu-ob para sa ibang sakit tulad ng hika, upang lumuwag ang paghinga ng pasyente subalit malaki anya ang kaibihan nito sa COVID-19.
Ang tu-ob ay kahalintulad ng nebulizer kung saan pinapalanghap ng usok ang pasyente.
Matatandaan na hiniya ni Cebu Governor Gwen Garcia ang mga doktor na kumontra sa memorandum ng gobernador na maglagay ng tu-ob sa work stations bilang panangga sa COVID-19.
Gusto nating malinaw yung ating mga mensahe; ang mensahe talaga natin ay para makaiwas sa bahay muna, mag-mask, mag-social distancing, maghugas ng kamay. Kung mag-steam immulation kayo hindi yan yung way na maiiwasan ang COVID so, we have to go back to the reason why get it, nakukuha niyo yan dahil nakipagsasalamuha kayo sa tao na merong sakit,” ani Mercado. — panayam mula sa Ratsada Balita.