Umabot na sa pito katao ang namatay makaraang tamaan ng malakas na pagyanig ang Mexico.
Tumama ang lindol dakong alas-10:29 ng umaga na siyang nag-iwan ng pinsala sa mga kabahayan, tulay, at ilang pangunahing kalsada.
Bukod pa rito, napinsala rin ang 4 na archeological sites at naapektuhan din ang suplay ng kuryente ng nasa 2 milyong mga residente sa nito.
Kasunod nito, nagkaroon din ng sunog sa isang oil refinery sa Salina Cruz.
Samantala sa datos, maliban sa 7 nasawi dahil sa lindol, naitala rin ang anim na sugatan.