Nagbabala si Albay Rep. Joey Salceda sa mga magiging consequences o posibleng kahihinatnan kapag patuloy na naaantala ang comprehensive tax reform program (CTRP), partikular ang corporate recovery and tax incentives for enterprises act o Create Bill.
Sa isang pahayag, tinukoy ni Salceda ang assessment ng Fitch Solutions na nagsasaad na ang mabagal na pag-usad ng mga reporma sa pagbubuwis ay nagtataboy sa mga foreign investors at nagpapababa sa pagpasok ng foreign direct investments (FDIS) sa bansa.
Katunayan, ayon kay Salceda, sumadsad ng 23.1% ang net inflows mula sa 7.647 billion dollars ngayong 2020 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kasalukuyan namang nasa ‘period of interpellations’ ang create bill o ang second package ng CTRP.