Ibinasura ng Olongapo Regional Trial Court ang kasong inciting to sedition laban sa teacher na si Ronnel Mas.
Matatandaan na inaresto si Mas ng NBI matapos magpost sa twitter na magbibigay siya ng P50-M reward sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa desisyon ni Judge Richard Pardeza ng Olongapo RTC branch 72, illegal ang warrantless arrest kay Mas dahil hindi nasaksihan ng arresting officers ang krimen at wala rin silang personal knowledge hinggil dito.
Pinuna rin ni Judge Pardeza na ang kaisa isang testigo na pinagbasehan ng pag-aresto kay Mas ay hindi sigurado kung pag-aari nga ni Mas ang twitter account kung saan naka-post ang banta sa Pangulo.
Sinabi ng hukom na hindi maaaring tanggaping ebidensya ang pag-amin o ang extra judicial confession ni Mas dahil ginawa ito nang wala siyang abogado maliban pa sa nalabag ang kanyang karapatan nang arestuhin siya nang walang warrant.