Ipinaalala ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na hindi na ito nag-iisyu ng voters ID.
Kasunod na rin ito nang pagkalat ng mga pekeng voter’s id matapos arestuhin ng nbi ang dalawa kataong sangkot umano sa paggawa at pagbebenta online ng mga pekeng voter’s id.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na itinigil na nila ang pag-iisyu ng voter’s ID dahil sa inaasahang paglulunsad na rin ng national id system kayat scammer ang nagke claim na makakapag produce ng comelec issued voter’s ID.
Hinimok ni Jimenez na kaagad magsumbong sa kanilang tanggapan kapag inalok ng voter’s ID.