Maglalagay ng Special Action Force (SAF) troopers sa Cebu City para mahigpit na ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa naturang lungsod.
Ayon kay Lt. Gen Guillermo Eleazar, commander Ng Joint Task Force Covid Shield, nasa 150 tauhan ng PNP-SAF ang tutulong sa pagpapatupad ng chekpoint at community quarantine.
Dagdag pa ni Eleazar, nakipag-ugnayan na ito sa pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa nakatakdang pagdedeploy ng dagdag na mga tauhan.
Samantala, nagpaalala rin ang mga awtoridad sa mga residenteng lalabas ng kani-kanilang bahay na magsuot ng facemask.