Magsasagawa ng dry run ang Department of Education (DepEd) hinggil sa blended forms of learning bago magbukas ang klase sa August 24.
Ipinabatid ito ni Education Undersecretary Tonisito Umali bilang commitment sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiwala si Umali na magiging sapat ang kahandaan ng education sector bago pormal na magbukas ang school year 2020-2021.
Ito aniya ay bagamat hindi pa naku kumpleto ang training ng mga gurp para sa distance learning at maging ang printing ng self learning modules na sisimula pa lamang sa susunod na buwan.
Kasabay nito umaapela ang DepEd sa pamunuan ng mga pribadong paaralan na ipagpaliban muna ang pagtataas ng matrikula ngayong pasukan bilang kunsiderasyon na rin lang sa mga magulang at mag aaral na nahaharap sa problemang pinansiyal dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ng DepEd na nauunawaan nila ang pangangailangang ma sustain ang mga gastusin ng mga pribadong paaralan subalit dapat matiyak na mananatiling abot kaya at dekalidad ang edukasyon para sa lahat ng mag aaral.