Hindi na umano nagtaka ang Malacañang sa pagbagsak pa ng approval rating ni Vice President Jejomar Binay.
Ito ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma ay dahil isinagawa ang survey sa kasagsagan ng mga kontrobersyang kinakaharap ni Binay at pagtiwalag nito sa gabinete.
Kitang-kita aniya ang pagkakaiba ng ratings ni Binay noong miyembro pa ito ng gabinete kumpara sa pagtiwalag nito at pagdedeklarang nasa oposisyon.
Magugunitang sa survey ng SWS, bumaba ng 9 na puntos ang approval rating ni Binay para sa third quarter.
By Judith Larino