Suspendido ang operasyon ng punong tanggapan ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa PICC sa Pasay City simula ngayong araw, June 26 hanggang June 30 Huwebes.
Ito ay para magbigay daan sa isasagawng disinfection sa opisina ng SEC matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawa nilang empleyado at dalawang outsourced personnel sa rapid test.
Ayon sa SEC, walang travel history at naging exposure sa kumpirmadong COVID-19 case ang dalawa nilang empleyado at dalawang outsourced personnel.
Naka-work from home na rin aniya ang dalawang regular employee nila simula noong Marso 13 pero nagtungo ng SEC main office nitong June 24 at 25 para sumailalim sa rapid antibody test.
Pagtitiyak pa ng SEC, sumasailalim na ang apat sa istriktong home quarantine at nakatakda ring isailalim sa confirmatory test para sa COVID-19.