Muling nadagdagan ng 30 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Lapu-Lapu sa Cebu.
Sa post online ni Mayor Junard Chan, ang mga bagong kaso ng nakamamatay na virus ay naitala sa mga barangay ng:
- Barangay Babag,
- Looc,
- Gun-Ob,
- Marigondon,
- Pajo,
- Calawisan,
- Bankal,
- Agus,
- at, Barangay Poblacion.
Paliwanag ni Lapu-Lapu City Mayor Chan, ang mga dagdag na kaso ng COVID-19 ay bunsod ng mga isinagawang contact tracing.