Posibleng makasuhan ang mga tagapagpatupad ng emergency financial assistance ng pamahalaan na Social Amelioration Program (SAP), kung hindi ipamimigay ng mga ito ang ayuda sa mga benepisyaryo na nasa lugar na nakasailalim sa mas maluwag na community quarantine.
Ito’y kasunod ng desisyon ng IATF makaraang irekomenda ng DSWD na limitahan ang pamamahagi ng ayuda na SAP sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at GCQ.
Pero ayon kay Congressman Rufus Rodriguez, paglabag aniya ang gagawin ng IATF at DSWD sa Republic Act # 11469 o Bayanihan To Heal As One Law.
Paliwanag pa ni Rodriguez, malinaw na nakasaad sa batas na dapat na ipamahagi ang naturang ayuda sa 18 milyong households na maliit ang kita o mga low income families sa loob ng dalawang buwan.
Samantala, nagpaalala rin Congressman Rufus Rondriguez na bukod sa labag ito sa Bayanihan Law, maaari rin aniyang managot ang mga opisyal sa anti-graft law.