Handa na ang Senado na muling magdaos ng special session para maipasa ang Bayanihan to Heal as One (BAHO) 2 law.
Tiniyak ito ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nagpaalala hinggil sa pagkakalusot na sa second reading ng resolusyon para sa extension nang nag expire na batas bagamat hindi naman ito sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte kayat inabot na ng Sine Die Adjournment ng Kongreso.
Sinabi ni Zubiri na tatalima sila kapag nagpatawag ang malakaniyang ng special session bilang pagtupad sa tungkulin nila bilang mga mambabatas.
Binigyang diin ni Zubiri ang kahalagahan ng batas para tugunan ng gobyerno ang lahat ng mga pangangailangan ngayong nagpapatuloy ang COVID-19 pandemic.
Inihirit lamang ni Zubiri sa malakankiyang na ilatag na ang mga partikular na kahilingan nito upang kaagad nang matalakay ang pagpapalawig ng batas at hindi masayang ang panahon.