Mananatili pa ring suspendido ang pagpapatupad ng number coding sa Metro Manila.
Ito’y ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ay bunsod ng kakulangan o limitadong biyahe ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, tinitingnan nilang batayan kung ipatutupad na ang number coding depende sa kung ano ang sitwasyon ng trapiko sa Kamaynilaan.
Patuloy din aniya ang ginagawa nilang konsultasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) hinggil dito.
Simula nang maipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, papalo sa halos 2,000 mga sasakyan ang bumabaybay sa Edsa pa lamang.
Di hamak na mas mababa aniya ito kumpara sa halos kalahating milyong sasakyan na dumaraan sa Edsa nuong tinatawag na pre-pandemic normal.