Pormal nang binuksan ng Philippine Red Cross (PRC) ang pinakamalaking molecular laboratory sa bansa bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing center na matatagpuan sa Port Area, Manila.
Ayon sa PRC, malaki ang maibibigay nitong kontribusyon para mapigilan ang pagkalat ng virus dahil sa tiyak na tataas na ang testing capacity ng bansa.
Sapat umano ang kakayahan ng molecular laboratory na ito sa Maynila dahil sa pagkakaroon nito ng pitong RNAS at 14 na polymerase chain reaction (PCR) machines na kayang magtest ng 14,000 samples kada araw.
Sinabi ng PRC na sa pagtaas ng testing capacity ng bansa, mas magiging madali na aniya ang pagtukoy sa mga COVID positive upang agad na maihiwalay sa mga nag-negatibo sa virus.