Nagpadala ng isang team ng 30 medical personnel ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa cebu city.
Ito ay upang makatulong sa pagbibigay ng medical assistance sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Kaninang umaga, isinagawa ang send-off ceremony sa medical team ng AFP na pinangunahan nina Environment Secretary Roy Cimatu, AFP vice chief of staff vice admiral Gaudencio Collado Jr. At National Task Force o covid response chief implementer secretary Carlito Galvez.
Bago i-dineploy sa Cebu City, sumailalim ang muna ang mga kasamang doktor at medical assistants sa swab tests at binigay din ng bakuna kontra influenza.
Sinabi ni cimatu, maliban sa ipinadalang medical team ng AFP, daragdagan pa ito ng sampu pang sibilyan na doktor mula naman sa Iloilo City.
Samantala, binanggit naman ni Galvez na magkakaloob ng mga tents ang Philippine Red Cross para sa pangangailangan ng karagdagang isolation facilities sa cebu city habang ilang miyembro ng pribadong sektor ang magdo-donate naman ng ventilators.