Naghihinanakit ang grupo ng mga tsuper ng tradisyunal na jeepney hinggil sa unti-unting pagbabalik kalsada ng iba’t ibang uri ng pampublikong transportasyon.
Ito’y bilang bahagi ng ipinatutupad na panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) kahit pa nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ kay Liga ng Transportasyon sa Pilipinas (LTOP) president Orlando “Ka Lando” Marquez, marami naman sa mga tradisyunal na jeepney ang nakasusunod sa ipinatutupad na transport modernization program subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagang makapasada.
So, isusunod na po ‘yung UV express at ‘yung mga ruta ay gradual na po ‘yan lalagyan. Ang masakit na hindi namin matanggap pareng Rolly ‘yung ruta po namin na pwede naman tumakbo ‘yung mga jeep na wala naman na tumatakbo na bus ay hindi kami pinatakbo dahil ang pinatakbo nila ‘yung parusa na contracting passenger nang kagaya ng mga colorum mga UV express kuno. Dahil colorum po ‘yan atsaka ang pinatakbo ‘yung mga tricycle atsaka pedicab. ani Marquez
Binigyang diin pa ni Ka Lando na bagama’t suportado naman nila ang isinusulong na modernisasyon ng DOTr sa mga pampublikong sasakyan, kailangang ikonsidera na ng pamahalaan ang kumakalam na sikmura ng mga tsuper ng tradisyunal na jeepney na ilang buwan nang umaaray sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Dahil pandemic nga, ay pwede naman tumakbo sabi nga ni secretary noong paguusap naming Hindi ko naman tinatangal ang jeep kundi mino-modernize lang natin na hindi ko naman sinusubo sainyo na ‘yung bilhin niyo ay mini buskung gusto niyo jeep mananatili kayo sa jeep pero kailangan sumunod kayo doon sa tinaakda ng batas na Philippine national standard. ani Marquez sa panayam ng DWIZ