Suspendido muna sa loob ng dalawang linggo ang pag-papauwi sa mga locally stranded individual (LSI)’s sa ilang lalawigan sa Region 6 at buong Region 8.
Ito’y makaraang aprubahan ni National Action Plan against coronavirus disease 2019 (COVID-19) chairman at Defense secretary Delfin Lorenzana.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na ititigil muna ng pamahalaan ang paghahatid sa mga LSI’s sa lalawigan ng Iloilo at Negros Occidental dahil sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 kung saan, ang mga ito ang siyang pangunahing carrier ng virus.
Dahil dito, sinabi ni Lorenzana sa mga LSI’s mula Iloilo at Negros Occidental na narito sa Metro Manila na huwag munang magtungo sa mga paliparan at pantalan.
Kailangan muna kasi aniyang kausapin ang mga lokal na pamahalaan na tatanggap sa mga ito lalo’t problemang malaki aniya ng mga ito ang kakulangan ng quarantine facilities sa mga nabanggit na lugar.