Tinitingnan ngayon ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may koneksyon sa mga local terrorist group sa Mindanao ang apat na Abu Sayaf na napatay sa Parañaque City nuong isang linggo.
Sa panayam ng DWIZ kay WesMinCom Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana, sinabi nito na kasalukuyan pa silang nasa proseso ng imbestigasyon kung saan nagmula ang apat na napatay sa operasyon na nakalusot sa Metro Manila.
We will inform you in due time once we validated everything. Kasi we want to be deliberate in going thing. Gusto natin malaman talaga anong pinaubaya nila sa mga grupong naririto sa Basilan , Cebu at Tawi-Tawi. ani Sobejana
Binigyang diin pa ni Sobejana na malaki ang posibilidad na sinasamantala ng mga terroristang grupo ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic upang makapagpalakas ng puwersa.
Gayunman, tiniyak ni Sobejana na sa kanilang pagiging abala sa paglaban sa COVID- 19, hindi pa rin nila lulubayan ng tingin sa mga terrorista na nais sirain ang katahimikan sa bansa sa kabila ng krisis pangkalusugan.
Sigurado isa ‘yun sa pwede nila gawing propaganda kasi ang puno’t dulo naman nitong terorista o any form of lawlessness ay kahirapan. Isa sa mga, tama ka diyan Mark sa assessment mo na they are taking advantage on the situation. ani Sobejana sa panayam ng DWIZ