Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga domestic shipping lines na ilaan ang 12% ng kanilang cargo capacity sa bawat biyahe para sa mga agricultural at food products.
Ito, ayon kay Tugade, ay upang matiyak ang food security para sa mga mamamayan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Paliwanag ng opisyal, sa ganitong paraan ay hindi mababalam ang produksyon at biyahe ng mga pagkain at agricultural items habang umiiral ang quarantine measures sa iba’t ibang lugar sa bansa.