Pinakamabilis ang pagdami ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Western Pacific Region.
Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), mula lamang noong ika-16 ng Hunyo ay nakapagtala ng mahigit sa 8000 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas o tatlong beses na mas mataas sa pumapangalawa na Singapore.
Ayon sa WHO, nagtala ng mahigit sa 2,000 kaso ang Singapore sa nagdaang dalawang lingo, samantalang mahigit sa 300 naman sa China kung saan pinaniniwalaang nagmula sa virus.