Pansamantalang pamamahalaan ni Commissioner Ramon Fernandez ang Philippine Sports Commission (PSC).
Sa harap ito ng pansamantalang pagliban ni PSC Chairman Willliam “Butch” Ramirez upang alagaan ang may sakit na asawa.
Ayon kay Fernandez, mismong si Chairman Ramirez ang humiling sa kanya na umaktong officer-in-charge ng PSC.