Lumaki pa ang kapasidad ng bansa na makapagpalabas ng resulta ng PCR-test para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa report ng Department of Health (DOH), lima pang laboratoryo ang nabigyan ng accreditation.
Dahil dito, umaabot na sa 50 ang accredited PCR facilities at 19 naman ang geneXpert laboratories.
Samantala, 166 pang laboratoryo ang dumadaan ngayon sa five-step accreditation process.