Nakiisa na rin si Iloilo City Mayor Jerry Trenias sa mga panawagang resignation ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa kaniyang talumpati sa flag raising ceremony sa city hall kaninang umaga sinabi ni Trenias na panahon na para tumanggap ng responsibilidad at mag boluntaryong magbitiw na lamang sa puwesto para na rin sa bansa.
Ayon pa kay Trenias wala nang nagawang tamang desisyon ang Department of Health (DOH) simula nang ideklarang pandemya ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa kabila nang ikinasang mahabang lockdown patuloy ang pag-akyat ng kaso ng nasabing virus.
Kinuwestyon din ni Trenias ang direktiba ng DOH na ipadala ang rural doctos mula Iloilo City sa Cebu City kung saan tumataas ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Kasabay nito kinumpirma ni Trenias ang pagiging positibo sa COVID-19 ng ilang doktor mula sa isang ospital sa kanilang lungsod.