Umalma ang Malakaniyang sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na ang Pilipinas ang nakapagtala ng pinakamabilis na bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa 20 bansa at teritoryo sa Western Pacific Region.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nasa ika-anim na puwesto lamang ang Pilipinas sa Western Pacific Region kung hahatiin ang bilang ng mga kaso sa kada milyong populasyon.
Sa katunayan sinabi ni Roque na nangunguna ang India sa mayruong pinakamaraming confirmed COVID-19 cases sunod ang Pakistan, Bangladesh, Indonesia at Singapore
Sinagot din ni Roque ang puna ng ilang social media users na ang India, Pakistan at Bangladesh ay hindi sakop ng Western Pacific Region dahil ang mga nasabing bansa aniya ay nasa record ng WHO bilang Western Pacific Countries at pawang asian countries.
Binigyang diin pa ni Roque na hindi makatuwirang ikumpara ang Pilipinas sa Singapore na ang populasyon ay nasa limang milyon lamang o halos kasinglaki lamang ng Quezon City o lungsod ng Maynila
Una nang inihayag ng who na mula June 16 hanggang 28 ang naitalang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay nasa mahigit 9,000 na sinundan ng Singapore na mayruong mahigit dalawang libong bagong kaso ng COVID-19.